𝙻𝚊𝚑𝚊𝚝 𝙺𝚊𝚢𝚊 𝙺𝚘 𝙺𝚊𝚑𝚒𝚝 𝙱𝚊𝚋𝚊𝚎 𝙰𝚔𝚘❗

 .·:·.☽✧  ✧☾.·:·.


➽ "Kababae mong tao, gabi ka umuuwi. Kababae mong tao, ang iksi-iksi ng damit mo. Kababae mong tao, dami-dami mong kaibigan na lalaki. KAYA KA NABUBUGBOG AT NABABASTOS, E." Narinig mo na ba ang katagang iyan? Galing sa sarili mong pamilya o kaibigan? Naranasan mo na bang mabastos sa bahay, pabrika, lansangan, opisina, o eskwelahan? Sa kahit anong panahon ay tila hindi mawawala ang karahasan at pananakit sa mga kababaihan. Pahirap nang pahirap ang pangyayari kahit na tayo'y nasa modernong panahon na.  Maraming mga tao lalong-lalo na ang mga kababaihan ang nakakaranas ng pananakit at pang-aabuso na hindi man lang kayang maipagtanggol ang kanilang mga sarili sa mga mapagsamantala dahil wala silang kakayahang humingi ng tulong. Ayon sa Philippine Commission on Women or PCW, dahil sa maling pananaw at paniniwala ng karamihan, sa halip na parusahan at bigyan ng leksyon ang mga nambabastos, kadalasang ipinapasa pa ang kasalanan sa mga nakaka-awang biktima na naging resulta sa iilan na itinapos ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtali ng kanilang leeg gamit ang lubid o kumot. Nakakaawa at nakakalungkot, mga babae dapat magsuot ng disente para hindi lamang makantyawan ng mga lalaki. Nasa talampakan ba ang utak ng mga tao, na dapat kaming pagdiktahan sa kung anong isusuot namin? Ang mga babae ay dapat ginagalang, minamahal, at inaalagaan. Pero sa kasalukuyan, maraming sa mga kababaihan ang naghihirap at gustong magkaroon ng hustiya. 



➽ Bawat taon ay tumataas ang kaso ng pang-aabuso ng mga kababaihan. Isa rito ang kaso ni Christine Lee Silawan, labing anim na gulang. Ang kanyang kaso ang naging isa sa mga halimbawa ng pang-aabuso. Nasabi sa ulat, siya ay ginahasa at pinatay ng kanyang ka di umanong nobyo na nakilala lamang nya sa sosyal medya. Nagpaalam lang daw umano ang babae sa kanyang magulang na pumunta sa simbahan ngunit ito ay nakipagkita sa lalaking nag ngangalang Renato Payupan Llenes, apat napu't dalawang taong gulang. Sa pa amin ng suspek dahil sa selos ay walang awang pinatay niya ito. Ang dokyumentaryong ito ay base sa Center for Woman’s Resources 2017. Nakakalungkot mang-isipin ngunit maraming kababaihan ang naabuso subalit, ang takot na kanilang nararamdaman ang naging hadlang upang isumbong ang kanilang sitwasyon. Animnapung porsyento ng mga biktima ng pang-aabuso ang nawawalan ng kalaaman na sila ay naabuso dahil sa takot, kahihiyan at sa mga hindi magandang naranasan. Gaya ni Christine, ito ay isang seryosong pangyayari sa lipunan na dapat ay hindi isawalang bahala. Nasa isang babae ang nabibiktima ng pang-aabuso kada oras. Ayon sa PCW, mas mababa ang mga kaso ng pang-aabuso kung ikompara noong 2017. Pero hindi dapat pa rin isawalang bahala ng mga kababaihan at huwag ma kampante. Kailangan pa rin ng maraming pagsisiyasat kung paano maibsan ang ang kaso ng pang-aabuso. 


➽ Pagiging maingat ang tanging solusyon upang maiwasan ang pang-aabuso. “Walang maabuso kung walang magpapa-abuso.” Ang katagang ito ay nagpapahiwatig na ang mga kababaihan ay dapat maging isang matapang na tao. Sa paraang ito matutulungan ang kapwa kababaihan upang magkaroon ng pag-asa na bumangon at lumaban. Paano nga ba mahihinto ang pang-aabuso? Iyon kung gagamitin natin ang ating kaisipan. Una ay ang pagiging alerto sa ating kapaligiran. Lalong lalo na sa gabi. Hangga’t maaari huwag dumaan sa madidilim na daan. Sa paraang ito, maiiwasan ang mga alanganing sitwasyon. May ibang babae na nag dadala nag mga pepper spray ubang panangga kung sino man ang may balak sa kanila. Ito’y malaking tulong na sa pag-iingat. Kung tungkol naman sa sosyal medya gaya ng nangyare kay Christina Lee Silawan, maging maingat sa mga nakikita sa sosyal medya dahil alam natin na hindi lahat na nakikita natin ay totoo. Walang pang-aabuso ang mangyayari kung tayo ay mag-iingat o kakagat sa kanilang pain. Mag-isip muna bago isadali-dali ang mga desisyong gagawin. ABANTE BABAE! 

.·:·.☽✧  ✧☾.·:·.


Comments

  1. tama ka nga nellas, dapat lang talaga na ang kababaihan ay maging matapang at hindi basta-basta lang magpapa-abuso

    ReplyDelete
  2. tama ka nga nellas, dapat lang talaga na ang kababaihan ay maging matapang at hindi basta-basta lang magpapa-abuso

    ReplyDelete

Post a Comment