𝙻𝚊𝚑𝚊𝚝 𝙺𝚊𝚢𝚊 𝙺𝚘 𝙺𝚊𝚑𝚒𝚝 𝙱𝚊𝚋𝚊𝚎 𝙰𝚔𝚘❗
.·:·.☽✧ ✦ ✧☾.·:·.
➽ Bawat taon ay tumataas ang kaso ng pang-aabuso ng mga kababaihan. Isa rito ang kaso ni Christine Lee Silawan, labing anim na gulang. Ang kanyang kaso ang naging isa sa mga halimbawa ng pang-aabuso. Nasabi sa ulat, siya ay ginahasa at pinatay ng kanyang ka di umanong nobyo na nakilala lamang nya sa sosyal medya. Nagpaalam lang daw umano ang babae sa kanyang magulang na pumunta sa simbahan ngunit ito ay nakipagkita sa lalaking nag ngangalang Renato Payupan Llenes, apat napu't dalawang taong gulang. Sa pa amin ng suspek dahil sa selos ay walang awang pinatay niya ito. Ang dokyumentaryong ito ay base sa Center for Woman’s Resources 2017. Nakakalungkot mang-isipin ngunit maraming kababaihan ang naabuso subalit, ang takot na kanilang nararamdaman ang naging hadlang upang isumbong ang kanilang sitwasyon. Animnapung porsyento ng mga biktima ng pang-aabuso ang nawawalan ng kalaaman na sila ay naabuso dahil sa takot, kahihiyan at sa mga hindi magandang naranasan. Gaya ni Christine, ito ay isang seryosong pangyayari sa lipunan na dapat ay hindi isawalang bahala. Nasa isang babae ang nabibiktima ng pang-aabuso kada oras. Ayon sa PCW, mas mababa ang mga kaso ng pang-aabuso kung ikompara noong 2017. Pero hindi dapat pa rin isawalang bahala ng mga kababaihan at huwag ma kampante. Kailangan pa rin ng maraming pagsisiyasat kung paano maibsan ang ang kaso ng pang-aabuso.
➽ Pagiging maingat ang tanging solusyon upang maiwasan ang pang-aabuso. “Walang maabuso kung walang magpapa-abuso.” Ang katagang ito ay nagpapahiwatig na ang mga kababaihan ay dapat maging isang matapang na tao. Sa paraang ito matutulungan ang kapwa kababaihan upang magkaroon ng pag-asa na bumangon at lumaban. Paano nga ba mahihinto ang pang-aabuso? Iyon kung gagamitin natin ang ating kaisipan. Una ay ang pagiging alerto sa ating kapaligiran. Lalong lalo na sa gabi. Hangga’t maaari huwag dumaan sa madidilim na daan. Sa paraang ito, maiiwasan ang mga alanganing sitwasyon. May ibang babae na nag dadala nag mga pepper spray ubang panangga kung sino man ang may balak sa kanila. Ito’y malaking tulong na sa pag-iingat. Kung tungkol naman sa sosyal medya gaya ng nangyare kay Christina Lee Silawan, maging maingat sa mga nakikita sa sosyal medya dahil alam natin na hindi lahat na nakikita natin ay totoo. Walang pang-aabuso ang mangyayari kung tayo ay mag-iingat o kakagat sa kanilang pain. Mag-isip muna bago isadali-dali ang mga desisyong gagawin. ABANTE BABAE!
.·:·.☽✧ ✦ ✧☾.·:·.
tama ka nga nellas, dapat lang talaga na ang kababaihan ay maging matapang at hindi basta-basta lang magpapa-abuso
ReplyDeleteNagagalak akong malaman na may natutuhan ka, Gil!
Deletetama ka nga nellas, dapat lang talaga na ang kababaihan ay maging matapang at hindi basta-basta lang magpapa-abuso
ReplyDelete